^

Bansa

P10 taas pasahe sa jeep, itinulak ng PISTON

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
P10 taas pasahe sa jeep, itinulak ng PISTON
Transport group PISTON, led by group President Mody Floranda, files a petition for a P10 hike in the minimum jeepney fare before the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) in Quezon City on April 20, 2026. to help struggling drivers and operators of the group with high fuel costs.
Miguel De Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Nagsampa na ng P10 fare hike petition ang transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Kung mapapagbigyan, nais ng PISTON na ma­ging P23 ang minimum pasahe sa jeep mula sa kasalukuyang P13.

Ayon kay PISTON President Mody Floranda, hindi nakatulong at pansamantala lamang na natakpan ang gastusin ng mga driver sa ipinamimigay na fuel subsidy ng pamahalaan dahil one time lamang ito kayat dama pa rin nila hanggang ngayon ang epekto ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Aniya, hindi rin tuluyang nakatulong ang pansamantalang suspension ng excise tax sa LPG at kerosene dahil tumaas naman ang presyo ng bilihin at iba pang serbisyo tulad ng maintenance fee ng mga sasakyan na na­ging epekto ng tuminding oil price hike.

Kinundisyon lamang aniya ng naturang mga pampakalma ang hanay ng mga tsuper.

Aniya, mas nais nilang maipatupad ang P10 taas sa minimum na pasahe dahil ito ay pang matagalang makakatulong sa kabuhayan ng mga operator at driver.

Masyado aniyang maliit ang naipagkaloob na P1 fare hike ng LTFRB para sa mga traditional jeepneys sa bansa.

Binigyang diin din nito na nagkakaroon nga ng maliitang oil price rollback sa ngayon pero hindi pa umabot sa halaga ng nagdaang pagtaas na presyo ng petrolyo na kung susumahin ay wala pa sa kalahati ng naibaba sa presyo ng petrolyo sa ngayon.

Sa panig ng LTFRB, ang petisyon ay agad nilang uupuan.

FARE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with