^

Bansa

Sec. Frasco out na sa DOT

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Secretary Christina Garcia Frasco bilang Presidential Adviser for Sustainable and Resilient Communities.

Si Frasco na kalihim ng Department of Tourism (DOT) ay pansamantalang papalitan ni Undersecretary Verna Buensuceso bilang officer in charge ng ahensiya.

Pinasalamatan naman ng Pangulo si Frasco sa naging serbisyo niya sa DOT at nagpahayag ng tiwala na ang kanyang pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at komunidad ay makakatulong sa pagpapatupad ng mga prayoridad ng administasyon.

Inatasan din ng Pangulo si Frasco na gampanan ang bagong tungkuiln para higit pang mapalakas ang pagpapatupad at tuluy-tuloy na pagsubaybay sa mga prayoridad na pambansang programa sa antas ng mga komunidad.

Nauna nang sinabi ni Palace Press officer Atty. Claire Castro na pinagkakatiwalaan pa rin ni Marcos si Frasco.

CHRISTINA GARCIA FRASCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with