^

Bansa

PANOORIN: Impeachment complaint vs Marcos, umarangkada na!

Geraldine Santos - Philstar.com

MANILA, Philippines — Pormal nang gumulong ang dalawang verified impeachment complaints laban kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. matapos maiakyat ang mga ito sa House Committee on Justice sa plenary session ng Kamara nitong Lunes, Jan. 26.

Inihain ang unang reklamo ng abogadong si Andre de Jesus at inendorso ni Pusong Pinoy Party-list Rep. Jett Nisay, habang ang ikalawang impeachment complaint ay isinumite ng 36 miyembro ng mga progresibong grupo at inendorso ng Makabayan bloc.

Dahil sa pag-arangkada ng impeachment case laban kay Marcos, ipapatupad na ang one-year bar rule kung saan ipinagbabawal ang paghahain ng anumang panibagong reklamo laban sa pangulo sa loob ng isang taon.

Susuriin ng House Committee on Justice kung sapat ang nilalaman at porma ng mga reklamo sa ilalim ng mga patakaran ng Kamara. 

Ang magiging rekomendasyon ng komite na ipapasa sa plenaryo ay pagpapasyahan ng isang majority vote. Kung may sapat na batayan, kailangan aprubahan ng one-third ng mga miyembro ng Kamara ang articles of impeachment. Kung ibabasura naman ang reklamo, maaaring baligtarin ng plenaryo ang naturang ruling sa parehong bilang ng boto.

Nahaharap si Marcos sa mga reklamo ng umano’y paglabag sa Konstitusyon, betrayal of public trust, at graft, kabilang ang umano’y budget insertions, kickback schemes, at pag-abuso sa unprogrammed appropriations.

20TH CONGRESS

BONGBONG MARCOS

IMPEACHMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with