^

Bansa

DILG: Bahay ng gun owners papasukin

Doris Franche-Borja, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa insidente ng pamamaril sa mga paaralan na kinasasangkutan ng mga menor de edad, plano ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na pasukin ng Philippine National Police (PNP) ang mga bahay ng mga lisensiyadong gun owners at magsagawa ng inspeksiyon upang makita ang pagiging responsable ng mga ito.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, layon nito na matiyak na ligtas at maayos ang pagkakakustodiya ng mga baril. Inihayag niya ito sa House budget hearing kaugnay ng panukalang P332.5-bilyong pondo ng DILG para sa 2027.

Gayunman, sinabi Remulla na kailangan munang maamyendahan ang implementing rules and regulations (IRR) upang payagan ang PNP na isagawa ang kampanya.

Sa ilalim ng panukala, maaaring magkaroon ng access ang PNP sa mga tahanan ng mga may-ari ng lisensyadong baril, ngunit may paunang abiso, upang suriin kung nasusunod ang tamang paraan ng pag-iingat sa mga armas.

Kasunod ito ng dalawang insidente ng pamamaril sa Tacloban at Zamboanga City na kinasangkutan ng hindi awtorisadong paggamit ng mga baril na pag-aari ng gobyerno.

Bagama’t kinikilala ni Remulla na maaaring magdulot ng mga usapin sa privacy at iba pang karapatan ang home inspection, iginiit nito na ang pagmamay-ari ng baril ay pribilehiyong ipinagkakaloob ng batas at hindi isang karapatang ginagarantiyahan ng Konstitusyon.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with