Marcos mabilisang binati si Xi Jinping

MANILA, Philippines — Mabilisang binati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Chinese President Xi Jinping sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa South Korea noong Sabado.
Kinamayan ni Marcos si Xi Jinping dahil ang China ang napiling maging host ng 2026 APEC sa ginanap na turnover ceremony ng APEC chairmanship sa Gyeongju noong Nobyembre 1.
Sinabi ni Marcos na mahirap lapitan ang lider ng China dahil napapaligiran ng security pero pinilit niyang puntahan para batiin.
Binanggit din ni Marcos na ayaw naman niyang agad-agad na lumapit dahil baka masuntok siya ng security personnel.
“Ang hirap lapitan… ayoko namang mamilit baka suntukin pa ako ng security guard niya… when we came to the end, sabi ko, nakakahiya ito, hindi pa ako bumabati ‘di ba? Baka kung anong sabihin. Baka naman ma-offend. So, pinilit ko makapunta sa kanya. I said, ‘Congratulations on your assumption of the chair for the following APEC, and I hope to do a good work together with you.’ That’s it. Mabilisan lang eh,” ani Marcos Jr.
Binanggit din ni Marcos na tiniyak niya ang commitment ng Pilipinas sa makabuluhang kooperasyon sa rehiyon.
“I congratulated President Xi Jinping as China assumes the APEC Chairmanship in 2026, and reaffirmed the Philippines’ commitment to partnership and meaningful cooperation in our region,” sabi ni Marcos sa kanyang post sa social media kung saan ibinahagi pa niya ang isang larawan ng kanilang pakikipag-kamay sa isa’t isa.
- Latest

















