^

Bansa

Villafuerte binanatan si Frasco sa malamyang performance

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing kinu­westyon ni Camarines Sur ­Governor at ­National Unity Party (NUP) President LRay Villafuerte ang pahayag ni Department of ­Tourism ­Secretary Christina Garcia Frasco na sinisisi ang Kongreso sa umano’y budget cuts sa kanyang ahensya at sinabing biktima umano siya ng pamumulitika.

Ayon kay Villafuerte, hindi politika kundi mahinang performance ang tunay na dahilan kung bakit hindi nabigyan ng suporta ang DOT. Binigyang-diin niyang kahit sa sariling lalawigan ni Frasco sa Cebu, bumaba pa rin ang bilang ng turista.

Tinawag din niyang hindi katanggap-tanggap ang pagsisi ng kalihim sa Kongreso, lalo’t asawa nito si dating Deputy Speaker Duke Frasco. Aniya, kung talagang may pagkukulang sa budget, dapat ay nasuportahan ito ng asawa niyang may mataas na posisyon noon sa Mababang Kapulungan.

Sa kaso ng Camarines Sur, sinabi ni Villafuerte na halos walang konkretong proyekto ang DOT maliban sa isang tourism information ­center sa San Jose, isang lugar na wala namang malakas na tourist traffic. Tinawag niya itong pag-aaksaya ng pondo ng bayan.

Giit ng gobernador, hindi isyu ang partido kundi ang kakayahang mamuno at ­ma­k­apaghatid ng resulta. Aniya, tinanggal si Congressman Duke Frasco sa NUP hindi dahil sa pagiging independent kundi dahil sa kawalan ng pagkakahanay sa adbokasiya ng partido para sa mahusay at result-oriented na pamamahala.

CHRISTINA GARCIA FRASCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with