^

Bansa

Online gambling, pinag-iinitan ni Marcos: 'Pamilya ang nasisira'

Philstar.com

MANILA, Philippines — Nagbabala na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na unti-unting sinisira ng online gambling ang mga pamilyang Pilipino, lalo na’t mas naging accessible ito dahil sa teknolohiya.

“Maraming pamilya ang nasisira dahil dito, lalo na kung inaabuso,” ani Marcos sa kanyang vlog na inilabas nitong weekend.

Ayon sa kanya, ang teknolohiya ay dapat gamitin para sa ikabubuti ng sambayanan — hindi para sa bisyo. “Ang teknolohiya ay narito para padaliin ang ating buhay... para maging maayos at buo ang pamilyang Pilipino. Hindi para sirain ito,” aniya.

Pagbabawalan ba? Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, nananatiling ipinatutupad ang pagbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), kasabay ng matibay na posisyon ng pangulo laban dito.

Dagdag niya, patuloy pang pinag-aaralan ng gobyerno kung kailangan ding ipagbawal ang iba pang anyo ng online gambling na hindi konektado sa panlilinlang.

VP Sara Duterte, mga senador tutol din

Mariin ding tinutulan ni Vice President Sara Duterte ang online gambling. Aniya, madaling malulong ang kabataan sa ganitong bisyo, na puwedeng magdulot ng problema sa pamilya.

“Kapag nalulong, baka mawalan ng pera, malubog sa utang, at ang pamilya ang magsasakripisyo,” aniya sa panayam habang nasa The Hague. Bukas siya sa regulated gambling, pero hindi kung online at walang kontrol kung sino ang puwedeng maglaro.

Nagpahayag din ng suporta sa total ban ang ilang senador, kabilang sina Sherwin Gatchalian, Juan Miguel Zubiri, Risa Hontiveros, Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano.

Si Gatchalian ay naghahanda ng panukalang batas para parusahan hindi lang ang mga operator kundi pati na rin ang mga nag-eendorso ng ilegal na online gambling gaya ng influencers at e-wallet platforms. — Ayon sa ulat ni Helen Flores

BONGBONG MARCOS

FILIPINO FAMILIES

ONLINE GAMBLING

POGOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with