Tingog, Ako Bicol Partylist, una pa rin – survey
MANILA, Philippines — Hindi natitinag ang Tingog at Ako Bicol Partylist sa kanilang puwesto na nangunguna sa limang partylist na posibleng makakuha ng dalawang puwesto sa Kongreso sa nalalapit na halalan sa Lunes.
Nabatid na No. 1 ang Tingog Partylist na may 5.83% voter preference at sinundan ng Ako Bicol Party-list (5.50%); ACT-CIS (5.00%; 4PS (4.88%) at Duterte Youth, 4.83%.
Kabilang naman sa 42 party-lists na posibleng makasungkit ng isang puwesto sa Kamara ay ang FPJ Panday Bayanihan (FPJPB) Partylist, 6th (3.88%); Alona, 7th (3.00%); Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) sa pangunguna ni Dr. Jose Goita, 8th (2.96%; Agimat, 9th (2.88%); 1Pacman, 10th (2.88%);United Senior Citizens Partylist, 11th (2.29%); Tulfo para sa Turismo (Turismo) Partylist, 17th (1.83%); Abante Bisdak Partylist 18th (1.75%) at Pamilya Ko Partylist, 19th (1.71%).
Isinagawa ang Tangere ang survey nitong Abril 30-Mayo 3, 2025 sa 2,400 respondents gamit ang Stratified Random Sampling method (Quota Based Sampling).
- Latest

























