DFA: Pinoy nasawi sa Myanmar quake

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Miyerkules ang pagkamatay ng isang Pinoy matapos ang magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar noong Marso 28.
Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo De Vega na ang mga labi ni Francis Aragon ay positibong natukoy kamakalawa ng kagabi at ipinaalam na sa kanyang pamilya ang sitwasyon.
“The Department of Foreign Affairs regrets to inform the nation that the remains of one of the four missing Filipinos in Mandalay, Myanmar have been positively identified,” pahayag ng DFA.
“Out of respect for the privacy (of the family) in this time of grief, we are withholding further information on the matter,” nakasaad sa statement ng ahensiya.
Ayon sa ulat, kabilang si Aragon sa apat na OFW na nawawala matapos gumuho ang kanilang condominium building dahil sa malakas na lindol sa Myanmar.
Si Aragon, 38, ay nagtatrabaho bilang Physical Education teacher sa Myanmar.
- Latest