Bilang ng Jobless Pinoy, bumaba

MANILA, Philippines — Bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Nasa 1.94 milyon na lamang ang walang trabaho noong Pebrero, mas mababa ng 228,000 kumpara sa 2.16 milyon noong Enero ngayong taon.
Ayon sa PSA, bumaba ang bilang ng walang trabaho dahil sa panahon ng eleksyon at pumasok na rin ang panahon ng summer kung kaya’t dumami ang aktibidad at bilang ng mga Pilipino na nabigyan ng trabaho.
Dahil dito, patuloy na nakasasabay ang Pilipinas sa mga kalapit na bansa sa Asya gaya ng Malaysia na may 3.1% unemployment rate, Vietnam na may 2.2%, China na may 5.4% at India, 6.4%.
“This could be an effect of [seasonality] going towards the summer holidays,” pahayag ni PSA chief Claire Dennis Mapa.
“In February, we saw a pickup in those employed by political organizations at about 41,000… we are seeing this, most probably, will continue until May and that in a way induced seasonality,” pahayag pa ni Mapa.
- Latest