15 indiscriminate firing naitala ng PNP
MANILA, Philippines — Nasa 15 kaso ng indiscriminate firing ang naitala ng Philippine National Police (PNP) dalawang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Sa pinakahuling datos ng PNP, apat ang sugatan dahil sa indiscriminate firing habang isa ang sugatan dulot ng stray bullet.
Anim na kaso rin ng indiscriminate firing ang naitala sa Calabarzon, sinundan ng NCR, 4 at Central Visayas, 2.
Habang ang Zamboanga Peninsula, Davao Region, at Cordillera Administrative Region ay may tig-1.
Pitong sibilyan, isang pulis, security guard at tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang inaresto dahil sa indiscriminate firing.
Samantala naka-heightened alert na ang PNP para sa kaligtasan ng mga biyahero at publiko.
Paalala ng PNP sa mga pulis na maging responsable sa paghawak ng kanilang baril habang sinasalubong ang Taong 2025.
- Latest