^

Bansa

Higit 400 pangalan sa secret funds ng OVP, DepEd walang birth records – PSA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Higit 400 pangalan sa secret funds ng OVP, DepEd walang birth records – PSA
Ito ang lumabas sa data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) hinggil sa 677 pangalan na isinumite ni Congressman Joel Chua, chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sa PSA kaugnay ng ginagawang pag-imbestiga sa maanomalyang paggasta sa confidential funds ng OVP at DepEd.
Philstar.com/Irra Lising

MANILA, Philippines — Walang birth record ang may higit 400 recipients ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) na pinamunuan ni Vice President Sara Duterte.

Ito ang lumabas sa data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) hinggil sa 677 pangalan na isinumite ni Congressman Joel Chua, chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sa PSA kaugnay ng ginagawang pag-imbestiga sa maanomalyang paggasta sa confidential funds ng OVP at DepEd.

Sa naturang bilang, 200 recipients naman ng confidential funds ay pare-pareho ang pangalan sa record ng PSA.

Ang pagbusisi ng PSA sa naturang recipients ng confidential funds ng OVP at DepEd ay ginawa nang lumabas sa unang pahayag ni PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa na ang isang “Mary Grace Piattos” at “Kokoy Villamin” na recipient ng OVP confidential funds ay walang birth records sa PSA.

Ang bagay na ito ay una nang pinabulaanan ni VP Duterte at nagsabing ang alegasyong korapsiyon at maling paggamit ng pondo ng tanggapan ay isang uri ng political persecution.

Una nang naipatawag ng Kamara si VP Duterte kaugnay nang umano’y maanomalyang paggasta sa P612.5 milyong confidential funds ng OVP.

FUNDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with