^

Bansa

Bitak, lubak sa bagong bukas na Panguil Bay Bridge ikinabahala

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan si Senate Minority leader Aquilino “koko” Pimentel III na masusing imbestigahan ang isyu sa Panguil Bay Bridge sa Northern Mindanao.

Sinabi ni Pimentel na lubhang nakakabahala sa kaligtasan ng publiko ang isyu sa naturang tulay na binuksan lang sa publiko noong Setyembre 27, 2024 na nagkaroon agad ng mga lubak at sira sa aspalto nito.

Ayon sa Senador, kahit na tiniyak na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na hindi apektado ang structural integrity ng tulay ay nakakabahala pa rin ito.

Ang Panguil Bay Bridge ay isang 3.17 kilo­meter structures  na tumatawid sa Panguil Bay ay nagkakahalqga ng P7.37 bilyon at isinagawa ng isang South Korean firm na Namkwang Kukdong Gumgwang Joint Venture (NKG-JV).

“Nakakabahala na ilang buwan pa lang, mayroon nang mga problema,” ayon pa kay Pimentel at sinabing tanging sa Pilipinas lang ito nangyayari.

Paliwanag pa ng Senador, na ang isang imbestigasyon ay makakatulong para maunawaan ng gobyerno kung paano nangyari ito para maiwasan ang mga katulad na insidente sa hinaharap.

Inihalimbawa naman ni Pimentel ang mga nauna niyang panawagan noong 2022 na magkaroon ng imbestigasyon ang Senado sa pagbagsak ng ilang mga tulay sa buong bansa katulad ng Loay, Bohol kung saan apat katao ang nasawi noong Abril 2022.

“This is not just about repairing asphalt; it’s about ensuring the structural integrity of a vital infrastructure project that serves a large and diverse population,” giit pa ni Pimentel.

DPWH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with