^

Bansa

Inflation rate bumilis ng 2.5% noong Nobyembre – PSA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumilis ng 2.5 percent ang inflation rate ng bansa noong nakaraang buwan, ayon sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ito ayon sa PSA ay resulta ng pagtaas ng presyo ng baboy at karne sa mga pamilihan dahil sa paglaganap ng African Swine Fever (ASF) noong mga nakaraang buwan at sa pagbilis ng demand sa suplay dulot ng holiday season.

Dinagdag ni National Statistician at PSA Undersecretary Claire Dennis S. Mapa, nakadagdag din sa pagsipa ng inflation ang pagtaas ng transport cost ng mga pangunahing pangangailangan dulot ng pagtaas ng produktong petrolyo sa mga nakalipas na linggo.

Samantala, bagama’t bumilis ang kabuuang inflation rate ay bumagal naman ang rice inflation mula 9.6% noong Oktubre sa 5.1% nitong Nobyembre.

Malaking tulong sa pagbagal ng rice inflation ang iba’t ibang programa inilunsad ng gobyerno tulad ng Rice-for-All program, ayon sa National Economic and Development Authority o NEDA.

INFLATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with