^

Bansa

Kukumpirma na Chinese spy si Alice Guo inilagay sa maximum security sa Thailand

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Kukumpirma na Chinese spy si Alice Guo inilagay sa maximum security sa Thailand
Dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo faces the Senate probe on illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) on September 9, 2024.
STAR/ Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Inihayag ni Sen. Win Gatchalian na inilipat na sa maximum security sa Thailand si She Zhijiang, ang Chinese national na na-interview ng Al Jazeera na kukunan sana ng testimonya ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations at Gender Equality upang kumpirmahin na isang Chinese spy si dismissed Bamban Mayor Alice Guo.

Maging si Wang Fugui, na nakapanayam ng komite sa pamamagitan ng video teleconferencing at naging ka-selda ni She sa Thailand ay hindi na rin mahagilap.

Aminado si Gatchalian na kumplikado ang bintang kay Guo dahil ang “accuser” nito na kukumpirma na isa siyang Chinese spy ay nasa ibang bansa.

“Humingi na rin kami ng tulong sa DFA dahil may mga legalities na ito para mai-access sya. Pero sa ngayon itong si She Zhijiang ay napakahirap na makuha ang kanyang testimony dahil nga nasa maximum security na siya. So kung wala siya, babagal o hihirap yung pagkuha ng mga impormasyon kasi siya lang yung nagbigay ng information na ito,” ani Gatchalian.

Matatandaan na sa nasabing documentary ng Al Jazeera, nagbigay pa ng mensahe si She kay Guo o Guo Huaping na isinalin sa wikang English kung saan sinabi niya na hindi mapagkakatiwalaan ang China kaya dapat nang magsabi ito ng totoo.

ALICE GUO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with