^

Bansa

Impeachment vs VP Sara sapat na dahilan - Gadon

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Pero kulang sa panahon…

MANILA, Philippines — Naniniwala si Presidential Adviser on Po­verty Alleviation Secretary Larry Gadon na sapat ang mga basehan at dahilan upang ma-impeach si Vice Presidente Sara Duterte  su­balit kulang sa panahon.

Ayon kay Gadon, mas makabubuti kung sa susunod na Kongreso na ihain ng Bagong ­Alyansang Makabayan (Bayan) ang impeachment kay Duterte.

Ani Gadon, hindi na matutukan ng Kongreso ang impeachment case dahil filing na ng ­candidacy at kampanyahan na.

“In a few days, election season na, in a few days filing of candidacy na, and in a few weeks mag-December na, recess na, and a few weeks after mag resume sa January mag-recess uli for the campaign period, then mag adjourn na,” ani Gadon.

Sa kabilang banda, inihayag naman ng ­Bayan na nararapat nang i-impeach si Sara upang mapanagot ang Bise Presidente sa mga nasayang na pondo ng kanyang tanggapan.

Sinabi ni Bayan secretary general Mong Palatino, ang pagtanggi pa lamang ni Duterte na sagutin ang mga katanungan ng Kongreso sa kanyang paggamit ng confidential fund (CF) ay malakas na basehan na ng impeachment.

LARRY GADON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with