^

Bansa

20 katao patay kay ‘Ferdie’, ‘Gener’ at Habagat

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 20 katao ang naiulat na nasawi dahil sa pinagsamang epekto ng bagyong Ferdie, Gener at Habagat.

Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon, siyam ang mula sa MIMAROPA, apat sa Western Visayas at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), dalawa sa Zamboanga Peninsula o Region 9 at isa sa Central Visayas o Region 7.

Kasalukuyan din ang ginagawang ‘validation’ sa 14 pa na napaulat na nawawala kung saan 12 ay mula sa MIMAROPA habang tig-isa sa Regions 6 at 9.

Sa kabuuan, nasa 16,926 pamilya o katumbas ng 62,995 katao ang namamalagi sa 618 evacuation centers habang 8,592 pamilya o 34,265 katao naman sa labas ng mga center ang binibigyan ng tulong.

Nasa 18,000 pamilya ang nanunuluyan sa 580 evacuation centers nationwide.

vuukle comment

HABAGAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with