^

Bansa

Bong Go nakiisa sa barangay leaders sa Liga ng mga Barangay National Congress

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakiisa si Senator Christopher “Bong” Go sa mga pinuno ng barangay sa pagpapalakas ng lokal na pamamahala sa kanyang pagdalo sa Liga ng mga Barangay National Congress sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Ang okasyon, sa pangunguna ni LNB President Maria Katrina Jessica Dy mula sa Isabela, ay dinaluhan ng mga opisyal ng barangay mula sa iba’t ibang local government units, kabilang ang Antique, Cebu Pro­vince, Cebu City, Mandaue City, Lapu-Lapu City, Bohol, Siquijor, Negros Occidental, Negros Oriental , Bacolod City, Cagayan, Quirino, Batanes, Nueva Vizcaya, Ilocos Norte, Ilocos Sur, and Zamboanga del Sur.

Sa kanyang talumpati, pinuri ni Go ang mga pinuno ng barangay sa kanilang hindi natitinag na dedikasyon, lalo sa gitna ng mapanghamong panahon. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagsuporta sa mga opisyal ng barangay upang mapabuti ang pamamahala sa grassroots level.

“Ang pwede ko lang pong maialay sa inyo ay ang aking pagseserbisyo. Hindi n’yo po ako maririnig na mangangako sa inyo na kaya kong gawin ito. Gagawin ko lang po ang aking trabaho sa abot ng aking makakaya, dahil ‘yan ang aking bisyo — ang serbisyo,” ayon kay Go.

Matapos nito ay tinalakay ng senador ang kanyang legislative efforts na susuporta sa barangay officials, partikular ang Senate Bill No. 197, na layong magtatag ng Magna Carta for Barangay na kikilala sa mga opisyal ng barangay bilang mga regular na empleyado ng gobyerno na tatanggap ng mga benepisyo, proteksyon, allowance, at iba pang emolument kung magiging batas.

Kamakailan ay inihain din ni Go ang SBN 2802 na magbibigay ng fixed 6 year term of office sa mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK).

CONVENTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with