^

Bansa

P10 bilyong ayuda, naipamahagi sa 2.5 milyong benepisyaryo ng Bagong Pilipinas Serbisyo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa P10 bilyong halaga ng tulong mula sa gobyerno ang naipamahagi sa 2.5 milyong pamilya sa ilalim ng pambansang inis­yatibo na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.

Ito ang inihayag ni House Deputy Secretary General Sofonias Gabonada noong Lunes, kasabay nang inilunsad na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair Agency Summit sa pagdiriwang ng unang taon ng programa.

“In terms of the number of beneficiaries, around 2.5 million families have been able to benefit from this program. Around P10 billion worth of programs, projects and services, including cash assistance were distributed,” ayon kay Gabonada.

“That’s how inclusive Bagong Pilipinas Serbisyo Fair has been. We started with a small target of one million [families] benefiting from this. But within a year, we reached 2.5 million,” dagdag pa niya.

Ayon kay Gabonada, sa loob ng isang buong taon, nasakop ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ang 21 lalawigan sa 17 rehiyon, ngunit marami pang lugar ang kailangang marating.

“We’re expecting [to hold it in] 82 provinces,” saad pa Gabonada.

Binigyan diin naman ni Speaker Martin Romualdez na ang programa ay katunayan ng dedikasyon ng administrasyong Marcos na mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga tao.

“This embodies our collective dedication to bringing government services directly to the people, ensuring that no one is left behind, no matter how remote or underserved their community may be,” ayon pa sa pahayag ni Romualdez.

SUMMIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with