^

Bansa

Pagtaas ng ratings ni Romualdez ­repleksyon na may ginagawa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pagtaas ng ratings ni Romualdez ­repleksyon na may ginagawa Kamara
Speaker Martin Romualdez.
STAR / File

MANILA, Philippines — Ang malaking pagtaas sa performance rating ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay isa umanong repleksyon na gusto ng publiko ang ginagawa ng mga miyembro ng Kamara.

“Ako po ay nagpapasalamat una sa Poong Maykapal dahil sa latest Social Weather Stations (SES) survey, na nagsasabing tumaas po ang kumpiyansa ng publiko sa ating ginagawa bilang Speaker ng kongreso,” ani Speaker Romualdez.

Nagpasalamat si Romualdez sa kapwa mga kasamahan sa kongreso na kung hindi umano sa kanila ay marami pang mga pen­ding bills na nakatiwangwang.

“At syempre ang taumbayan na nagbigay sa ating ng mataas na marka sa ating performance…maraming, maraming salamat po,” ayon sa representante mula sa Tacloban City.

Ang 16-point increase sa net satisfaction rating, na ngayon ay nasa +29 na, ay testamento anya sa dedikasyon ng mga kasamahan sa kongreso sa paggawa ng kanilang tungkulin bilang mambabatas, ani Romualdez.

Mula sa economic reforms hanggang sa social justice initiatives, ang trabaho ng Kamara ay na­ging susi sa mga progreso na nararamdaman ng mga kababayan natin, wika pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.

Aniya, ang agarang pagpasa ng kongreso ng mga priority bills ni Pangulong Marcos para sa pag-ahon ng bansa sa nakalipas na COVID ay isa rin daw marahil sa nakikita o nararamdaman ng taumbayan. 

vuukle comment

FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with