^

Bansa

Batas sa government procurement, financial cybercrimes pinirmahan ni Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Batas sa government procurement, financial cybercrimes pinirmahan ni Pangulong Marcos
Pinirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang ganap na mga batas ang New Government Procurement Act (NGPA) at Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) sa Ceremonial Hall ng Malacañang kahapon. Sumaksi rito sina Senate President Francis Escudero, House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, at iba pang government officials.
Presidential Communications Office Photo

MANILA, Philippines — Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga panukalang batas na magbibigay ng transparency sa procurement process ng gobyerno gayundin ang batas na pagbibigay proteksyon sa publiko mula sa financial cybercrimes.

Layon ng Republic Act (RA) 12009 o ang New Government Procurement Act  (NGPA) na magkaroon pa ng mas higit na transparency, competitiveness, efficiency, professionalism, accountability at sustainability sa proseso ng procurement ng gobyerno.

Nakasaad din sa ilalim ng NGPA na tugunan ang mga butas sa kasalukuyang sistema ng procurement sa pamamagitan ng pag-aalis sa mga illegal practices na nagiging dahilan ng korapsyon.

Nilagdaan din ng Pa­ngulo ang RA 12010 o ang Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) na naglalayong protektahan ang publiko mula sa cybercriminals at criminal syndicates.

Papatawan ng mas mabigat na parusa ang financial cybercrimes base na rin sa isinasaad sa Revised Penal Code tulad ng online selling at investment scams, phishing at iba pa.

Binibigyan naman ng kapangyarihan ng AFASA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magsagawa ng imbestigasyon sa mga kasong may paglabag sa cybercrime.

Ginawa ang ceremonial signing sa Palasyo ng Malakanyang kahapon ng umaga.

Kabilang ang dalawang naging batas sa priority bills na isinulong ni Pangulong Marcos sa Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC).

CYBERCRIMES

GOVERNMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with