^

Bansa

Preparasyon sa SONA nasa final stage na – Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa final stage na ang isinasagawang preparasyon ng Kamara para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gaganapin sa Hulyo 22.

Ayon kay House of Representatives Secretary General Reginald Velasco, puspusan na ang ginagawang renovation sa south at north wing lobby ng Kamara habang nagsagawa na rin ng pag-inspeksyon mula sa holding room na gagamitin ng Pangulo hanggang sa loob ng plenaryo at maging ang mga function room para sa mga bisita.

Magkakaroon naman ng re-routing ang Metro Manila Development ­Authority (MMDA) para sa mga motorista na maaapektuhan sa pagsasara ng ilang kalsada kung saan mag-iisyu ito ng abiso para ialerto rin ang mga commuters.

Nasa 22,000 pulis ang ipapakalat ng PNP sa Metro Manila sa araw ng SONA.

Noong Lunes ay una nang nagsagawa ng inisyal na walk-through ang mga opisyal ng Office of the President (OP) para sa SONA scenario mula sa pagdating ng ­Pangulo para mag-deliver ng kaniyang talumpati sa bayan at ma­ging pagkatapos nito.

Kaugnay nito, sa hiwalay na panayam, sinabi naman ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, na may sapat na bilang ng mga sundalo ang handang tumulong sa PNP para sa pagpapatupad ng seguridad sa SONA.

Itinakda ang pinal na pagpupulong para sa SONA preparation sa ­Hulyo 15.

vuukle comment

STATE OF THE NATION ADDRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with