^

Bansa

Romualdez namigay ng cash, bigas sa 8K residente ng Leyte

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang distribusyon ng tig-P5,000 halaga ng financial assistance at bigas sa 8,000 benepisyaryo sa Leyte.

Ang tulong ay mula sa dalawang programa ni Romualdez na Cash and Rice Distribution (CARD) Program at Integrated Scholarship and Incentives for the Youth (ISIP for the Youth) Program.

“Ang dalawang programang ito ay mahalaga para sa amin sa Kongreso, kasi direktang tulong ito sa sektor ng mga qualified na mag-aaral, senior citizens, PWDs, indigenous peoples, single parents at marami pang iba,” paliwanag ni Romualdez.

“Kayo po ang ibinilin ng ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa Kongreso na tulungan at siguruhin ang kapakanan sa panahong ito,” ani Romualdez, ang kinatawan ng Leyte.

Ang pamimigay ng tulong mula sa CARD at ISIP Program ay kalimitang isinasabay sa paglulungsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) kung saan milyun-milyong ayuda ang ipinamimigay.

“Dito natin ipinadadama ang kalinga ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr., at inilalapit ang serbisyo ng gobyerno para doon sa mga kailangan ng tulong. Saang sulok man kayo ng Pilipinas, aabutin namin kayo,” dagdag pa nito.

Para sa CARD program, 5,000 kuwalipikadong benepisyaryo mula sa Leyte ang nakatanggap ng tig-P5,000 financial aid at tig-20 kilo ng bigas.

FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with