^

Bansa

Community intervention kailangan ­sa pagtaas ng kaso ng dengue - Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue fever sa ilang lugar, nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go, tagapangulo ng Senate committee on health, na magkaroon ng mahigpit na pagbabantay at pag-iingat sa mga komunidad.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), nakapagtala ang bansa ng 67,874 kaso ng dengue mula Enero hanggang Mayo 2024.

Binigyang-diin ni Go ang agarang pagpapahusay ng mga hakbang at pakikipag-ugnayan sa komunidad upang epektibong labanan ang dengue outbreak.

“Sa harap ng tumataas na bilang ng mga kaso ng dengue, kailangan nating mag-double effort sa pag-iingat. Ang pagiging alerto at maagap sa pag-iwas ay susi sa pagprotekta sa ating mga komunidad,” ani Go.

Sa 28% pagtaas ng mga kaso na iniulat sa mga partikular na rehiyon tulad ng Quezon City at ilang bahagi ng Western Visayas, binigyang-diin ni Go na mahalaga ang pagtutulungan ng pamahalaan at komunidad upang malinis ang mga lugar sa pag-aanak ng lamok at isulong ang pampublikong edukasyon sa kalusugan.

“Walang dapat na mapabayaan sa ating laban kontra dengue. Dapat tayong magtulungan upang matiyak na walang stagnant na tubig at maiwasan ang pagdami ng mga lamok,” anang senador.

Nanawagan ang senador sa Department of Health, LGUs, pribadong sektor, at mga komunidad na mahigpit na magtulungan at ipatupad nang mas mahigpit ang pinahusay na diskarte sa 4-S laban sa dengue.

Kabilang sa mga estratehiya ang (1)  “Search and Destroy” mosquito breeding places, (2) “Secure Self Protection” from mosquito bites, (3) “Seek Early Consultation” kung may palatandaan at senyales ng dengue at  (4) “Say Yes to Fogging.”

vuukle comment

BONG GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with