^

Bansa

De Lima abswelto sa huling drug case

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
De Lima abswelto sa huling drug case
Ito’y matapos na ibasura ng Muntinlupa Regional Trial Court ang ikatlo at huling drug case ni De Lima.
The STAR/Geremy Pintolo, File photo

MANILA, Philippines — Matapos ang pitong taon, tuluyan nang naabswelto si dating Senador Leila de Lima mula sa lahat ng mga kaso na isinampa laban sa kanya na may kaugnayan sa droga.

Ito’y matapos na ibasura ng Muntinlupa Regional Trial Court ang ikatlo at huling drug case ni De Lima.

Sa desisyon ni Muntinlupa City RTC Branch 206 Presiding Judge Gener Gito nitong Lunes, Hunyo 24, 2024, pinagbigyan ang “demurrer to evidence” ni De Lima.

Noong Marso inihain ni De Lima ang demurrer kung saan hiniling niya sa korte na ipawalang-sala siya at ideklarang “not guilty” dahil sa kabiguan ng prosekusyon na patunayan ang kanyang pagkakasala “beyond reasonable doubt”.

Sa ilalim ng Rules on Criminal Procedure, ang demurrer to evidence ay isang mosyon para i-dismiss ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya. Kapag napagbigyan, ito ay katumbas ng pagpapawalang-sala.

Ang nasabing ­korte rin sa huling kasong ­conspiracy to commit drug trading na nag-abswelto kay De Lima ang nagpahintulot din na makapaglagak siya ng piyansa

Nobyembre 2023 nang makalaya si De Lima matapos magpiyansa.

Sa kanyang huling kaso, ang dating mambabatas ay inakusahan ng pagiging kasabwat sa kalakalan ng iligal na droga sa loob ng maximum security compound ng New Bilibid Prison, sa kanyang kapasidad bilang dating justice secretary na may supervisory powers sa national penitentiary.

Nasuhulan din umano siya ng P70 milyon ng Bilibid convicts, na inakusahan din niyang ginamit para tumakbo at manalo bilang senador noong 2016.

vuukle comment

DRUG

SENADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with