^

Bansa

Inflation tumulin patungong 3.9% dahil sa presyo ng kuryente, transpo

James Relativo - Philstar.com
Inflation tumulin patungong 3.9% dahil sa presyo ng kuryente, transpo
Sa file photo na ito, makikitang nag-aasikaso ng kawad ng kuryente ang isang manggagawa.
The STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Itinulak ng mas mabilis na pagtaas ng presyo ng kuryente at transportasyon ang inflation rate nitong Mayo ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ito habang napapansin ang "downward trend" pagdating sa pagkain.

Miyerkules kasi nang maitala ito sa 3.9%, mas mataas kumpara sa naitalang inflation rate bago ito. Mas malaki man, pasok pa rin ito sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

"Ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa ay bumilis sa antas na 3.9% nitong Mayo 2024," sabi ng PSA sa isang pahayag.

"Ang average inflation mula Enero hanggang Mayo 2024 ay nasa antas na 3.5%."

Kabilang sa mga primaryang humila pataas ng inflation ang sumusunod:

  • housing, water, electricity, gas and other fuels: 0.9% (mula sa 0.4% noong Abril)
  • transportation: 3.5% (mula sa 2.6% noong Abril)

Kadalasang tumataas ang konsumo ng kuryente ng publiko sa tuwing mainit ang panahon, dahilan para tumaas ang paggamit ng mga household appliances gaya ng airconditioning at bentilador.

Samantala, narito naman ang may pinakamalaking ambag sa May 2024 overall inflation:

  • food and non-alcoholic beverages (56.6% share o 2.2% points)
  • restaurants and accommodation services (13.2% share o 0.5% point)
  • transport (8.2% share o 0.3% point)

Mas mababang food inflation

Kung paniniwalaan ang PSA, lumalabas na bumagal patungong 6.1% ang food inflation nitong Mayo mula sa 6.3% noong Abril 2024. Matatandaang umabot ito ng 7.5% noong Mayo 2023.

Aniya, pangunahing nagdulot ng naturang downward trend sa food inflation ang mas mabagal na year-on-year increase sa gulay, tubers, plantains, cooking bananas at pulses index sa 2.7% (mula sa 4.3%).

Sinundan ito ng slower annual increase sa bigas sa 23.% (mula sa 23.9%). Nag-ambag din sa naturang downtrend ang "zero percent inflation rate" ang isda atbp. seafood (mula sa 0.4%).

Lumabas ang aniya'y mas mabagal na food inflation sa pagtaas ng hunger rate sa 12.2% noong Marso 2024, ayon sa huling survey dito ng Social Weather Stations (SWS).

vuukle comment

ELECTRICITY

INFLATION

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

TRANSPORTATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with