^

Bansa

20 lugar signal No. 1 kay ‘Aghon’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
20 lugar signal No. 1 kay �Aghon�
Ayon sa PAGASA, ang sentro ng bagyo ay namataan sa layong 135 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur at kikilos sa bilis na 25 km bawat oras pakanluran hilagang kanluran.
PAGASA

MANILA, Philippines — Isinailalim na sa signal No. 1 ang 20 lugar sa bansa kasunod nang paglakas pa ng bagyong Aghon.

Ayon sa PAGASA, ang sentro ng bagyo ay namataan sa layong 135 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur at kikilos sa bilis na 25 km bawat oras pakanluran hilagang kanluran.

Taglay ni Aghon ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kph at pagbugso na umaabot sa 70 kph.

Dulot nito, nakataas ang babala ng bagyo bilang isa sa Luzon - Sorsogon, Albay, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte (San Vicente, San Lorenzo Ruiz, Basud, Daet, Talisay, Mercedes), at Masbate kabilang ang Ticao Island, Burias Island.

Sa Visayas - Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Leyte, Southern Leyte, Biliran, Bohol, Cebu kabilang ang Camotes Islands at Bantayan Islands.

Sa Mindanao - Dinagat Islands, Surigao del Norte kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands, Surigao del Sur, Agusan del Sur at Agusan del Norte.

Inaasahang magla-landfall si Aghon sa Eastern Samar sa Sabado ng umaga at sa Catanduanes sa gabi.

Mananatili sa bansa si Aghon at patuloy na lalakas sa Martes.

vuukle comment

AGHON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with