^

Bansa

BF ni Mayor Guo nagpapatakbo ng POGO – Jinggoy

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
BF ni Mayor Guo nagpapatakbo ng POGO � Jinggoy
Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo on May 22, 2024
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Isiniwalat ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na nagpapatakbo ng iligal na Philippine Offshore Ga­ming Operators (POGOs) sa Bamban, Tarlac ang isang alkalde sa Pangasinan at diumano’y live-in partner ng kontrobersiyal na si Mayor Alice Guo.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, kinuwestyon ni Estrada si Guo kung may karelasyon itong nagpapatakbo ng POGO sa bayan ng Bamban.

“Because I have received a very reliable information that you have a live-in partner that ­manages POGO operations in your town,” ayon sa senador.

Pero mariing itinanggi ni Guo ang isiniwalat ni Estrada at sinabing wala itong nakarelasyong public official.

Iginiit ni Estrada kay Guo na aminin kung sino ang mayor na sinasabing live-in partner nito pero nanindigan ang mayor na hindi ito totoo.

“Basta your honor wala akong bf, wala akong partner,” ani Guo.

Hindi naman binanggit ng senador ang pangalan ng Pangasinan mayor na sinasabi nitong may kaugnayan kay Guo.

Si Guo ang iniuugnay sa iligal na operasyon sa mga POGO hub na Hongsheng na sinalakay ng mga awtoridad noong Pebrero 2023 at Zun Yuan Technology Inc. na naging sentro ng operasyon ng Presidential Anti-Orga­nized Crime Commission (PAOCC) nitong Marso 2024.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with