^

Bansa

Walang mandatory face mask, border control – DOH

Mer Layson, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Walang mandatory face mask, border control � DOH
Commuters flock to LRT and MRT stations in EDSA-Taft, Pasay City as they return from Holy Week break on April 1, 2024.
STAR/ Ryan Baldemor

Sa pagtaas ng COVID-19 ‘FLiRT’ variants

MANILA, Philippines — Hindi irerekomenda ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa ang pagsasara o paghihigpit sa border sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa Singapore.

Sa isang pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Herbosa na wala rin siyang planong magmungkahi na magpatupad ng mandatory na pagsusuot ng face masks ng publiko.

Wala rin anyang requirement para sa border control, mandatory masks at karagdagang bakuna, subalit patuloy pa rin nilang binabantayan ang mga ganitong kaso.

Nauna nang naiulat na dumoble ang kaso ng COVID-19 sa Singapore nitong mga nakaraang linggo, kaya tumaas ang demand sa COVID-19 test doon.

Ayon pa kay Herbosa, mayroong mga pribadong ospital na hindi niya tinukoy na mayroon ng positibo sa COVID-19 ang kanilang mga medical workers.

Minomonitor na rin anya ng mga health officials sa bansa ang sitwasyon sa Singapore kung saan mataas ang mga kaso dulot ng FLiRT variant.

Sa tanong naman kung posibleng nasa Pilipinas na ang FLiRT variant, sinabi ni Herbosa na posible ito bagamat hindi naman ito seryoso ay kinaklasipika nila ito na variant under monitoring.

Minomonitor na rin anya ng DOH ang influenza - like illnesses sa bansa.

Una nang kinumpirma ng DOH na nakakapagtala sila ng bahagyang pagtaas ng COVID-19 sa bansa ngunit tiniyak na nananatili pa ring nasa low risk classification ang lahat ng rehiyon sa Pilipinas.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with