5 Pinoy sakay ng Singapore Airlines flight na nag-'emergency landing'
MANILA, Philippines — Limang Filipino ang lulan ng Singapore Airlines flight SQ321 na nag-emergency landing sa Bangkok, Thailand nitong Martes, bagay na nakaranas ng "severe turbulence" habang nasa biyahe mula London, England.
Kahapon lang nang mamatay ang isang 73-anyos na Briton sa naturang Boeing 777-300ER aircraft. Sugatan dito ang 70 iba pa. Biyaheng London-Singapore sana ang kanilang lipad.
"We are deeply saddened by this incident, and are committed to providing all necessary support and assistance to the passengers and crew members who were on board SQ321, as well as their families and loved ones," ani Singapore Airlines chief executive officer Goh Choon Phong, Miyerkules.
"Our deepest condolences go out to the family and loved ones of the passenger who passed away."
Bandang 3:45 p.m. kahapon nang lumapag sa Bangkok ang eroplano matapos ang naturang insidente.
Kabilang ang mga Pinoy sa 211 pasahero at 18 crew members na sakay ng naturang eroplano. 143 sa mga nabanggit, na kinayang bumiyahe, ang ligtas na nakarating ng Singapore bandang 5:05 a.m. ngayong araw sa pamamagitan ng isang "relief flight."
Samantala, 79 pasahero at anim na crew members nito ang nananatili sa Bangkok.
"This includes those receiving medical care, as well as their family members and loved ones who were on the flight. Our colleagues are on the ground providing all possible assistance to them," ayon sa CEO ng Singapore Airlines.
"We also deeply apologize for the trauma experienced by all passengers and crew members on this flight."
Ano ba ang turbulence?
Ang airplane turbulence ay nangyari dulot ng paghampas ng malakas na hangin, bagay maaaring tumulak o humila sa eroplano sabi ng Sheffield School of Aeronautics.
Maaari itong mangyari tuwing nagkakaroon ng bagyo, cold at warm front, at pag-ihip ng hangin sa paligid ng mga bundok. Posible rin itong mangyari sa mga jet streams.
Sinasabing napapadalas ang airplane turbulence dahil na rin sa pabagu-bagong panahon o climate change, ayon sa mga dalubhasa.
- Latest
- Trending