^

Bansa

Babaeng kadete Top 1 sa PMA 2024 class

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 24-anyos na babaeng kadete na taga Surigao City, Surigao del Norte ang nanguna sa 2024 graduating class ng Philippine Military Academy (PMA) ngayong taon.

Si Cadet First Class (Cdt 1stCL) Jeneth Elumba ay nagtapos na magna cum laude mula sa kabuuang 278 kadete ng Bagong Sinag Class 2024 (Bagong Heneras­yong Gagampanan ang Tama: Serbisyo, Integridad at Nasyonalismo ang Aming Gabay).

Nasa pitong babae naman ang pumasok sa top 10.

Ayon kay PMA Superintendent Lt. Gen. Rowen Tolentino, si Elumba bilang magna cum laude ay tatanggap ng Presidential Saber mula kay President Ferdinand Marcos Jr. Kabilang rin sa igagawad kay Elumba ay ang Philippine Army Saber, JUSMAG Saber, Austra­lian Defense Best Overall Performance Award (ARMY), Tactics Group Award at Army Professional Plaque.

Sa kabuuang 278 cadets na bumubuo sa 2024 Bagong Silang Class, 224 dito ang lalaki at 54 ang babae. Itinakda ang gra­duation rites ng PMA Class 2024 sa darating na Mayo 18.

PMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with