^

Bansa

'Mayo Uno 6' pansamantalang nakalaya matapos arestuhin sa Labor Day rally

James Relativo - Philstar.com
'Mayo Uno 6' pansamantalang nakalaya matapos arestuhin sa Labor Day rally
Litrato ng anim na kabataang aktibistang inaresto noong Labor Day protest matapos makalabas ng piitan ngayong ika-7 ng Mayo, 2024 buhat ng piyansa.
Video grab mula kay Ian Laqui

MANILA, Philippines — Ginawaran ng pansamantalang kalayaan ang anim na kabataang aktibista matapos arestuhin ng kapulisan noong Araw ng Paggawa habang iprinoprotesta ang mababang sahod, jeepney phase out at Balikatan Exercises.

Ito'y matapos makapaglabas ng release order ang Manila Regional Trial Court Branch 18 ngayong Martes kaugnay ng reklamong "direct assault" at diumano'y paglabag sa Batas Pambansa Bilang 880 o Public Assembly Act of 1985 ng anim.

Umabot sa P46,00 ang binayarang piyansa ng bawat isa sa mga akusado. P6,000 ang bail para sa BP 880 habang P36,000 naman para sa direct assault.

Apat sa mga naaresto ay estudyante ng University of the Philippines habang dalawa sa nalalabi ay mga kabataang aktibista mula sa Anakbayan Caloocan, ayon sa ulat ng Manila Today.

Una nang sinabi ng Makabayan Bloc na iligal ang pag-aresto sa anim, ito habang inirereklamo ang arbitrary detention ng anim. Umabot pa kasi ng limang araw sa kulungan ang mga nabanggit bago masampahan ng reklamo. 

Kamakailan lang nang sabihin ng Karapatan National Capital Region na "grave misconduct" ang ginawa ng piskal sa Mayo Uno 6 dahil sa kabiguang maghain agad ng criminal information sa korte. 

"We maintain that their arrest and detainment is unjust. The protest was peaceful until police escalated the situation by hitting protesters with shields and batons until they were arrested," sabi ng Kilusang Mayo Uno kanina.

"To protest for national sovereignty, humane working conditions, and higher wages is justified. By arresting the 6 youth activists, the state lays bare where its allegiances lie: with the US, China, and with big capitalists–foreign and local–who exploit workers. Marcos Jr., as head if the state, is accountable for the police's actions." — may mga ulaat mula kay Ian Laqui

Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito

DIRECT ASSAULT

KILUSANG MAYO UNO

LABOR DAY

PROTEST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with