^

Bansa

Pangulong Marcos sa mga Pinoy: Panoorin MMFF entries

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos sa mga Pinoy: Panoorin MMFF entries
Ang mga opisyal na entry sa MMFF ngayong taon ay: Isang Himala, Strange Frequency Taiwan Killer Hospital, Green Bones, Espantaho, Hold Me Close, And the Breadwinner is...., The Kingdom, My Future You, ­Uninvited, at Topakk.
File

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na suportahan ang lokal na industriya ng pelikula sa panahon ng bakasyon at manood ng mga pelikulang ipapalabas sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa isang video message na inilabas ng Malacañang, sinabi ni Marcos na napaka­espesyal ang ika-50 a­nibersaryo ng MMFF at nanawagan siya sa publiko na suportahan ang mga kwento ng mga Pilipino.

“Ang mga magagandang pelikulang  kalahok ngayon ng golden year ng MMFF ay siguradong magbibigay ng gintong saya at mag-iiwan ng mga ginuntuang aral. Tangkilikin po natin ang mga kuwentong Pilipino,” anang Pangulo.

Sinabi rin ni Marcos na dapat isama ang mga mi­yembro ng pamilya at mga barkada sa panonood ng mga kalahok na pelikula.

“Suportahan po natin ang Metro Manila Film Festival 2024. Isama ang buong pamilya, ang buong barkada at panoorin ang sampung pelikula na handog ng MMFF,” ani Marcos.

Ang mga opisyal na entry sa MMFF ngayong taon ay: Isang Himala, Strange Frequency Taiwan Killer Hospital, Green Bones, Espantaho, Hold Me Close, And the Breadwinner is...., The Kingdom, My Future You, ­Uninvited, at Topakk.

MMFF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with