^

Bansa

Bulacan idineklara nang ‘bird flu free’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Bulacan idineklara nang �bird flu free�
Ito ang idineklara ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. matapos ang 90 na araw nang isagawa ang paglilinis at disinfection ng mga pasilidad ng manok.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Malaya na sa H5N1 avian influenza o bird flu ang lalawigan ng Bulacan.

Ito ang idineklara ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. matapos ang 90 na araw nang isagawa ang paglilinis at disinfection ng mga pasilidad ng manok.

Naitala ang unang impeksyon sa H5N1 sa Bulacan noong Enero 2022 hanggang Pebrero 2023 matapos na makitaan ng DA ng ilang kaso sa Baliwag City, mga bayan ng Pulilan, Santa Maria, San Rafael, San Miguel at San Ildefonso.

Batay sa monitoring reports ng Bureau of Animal Industry, naitala ang impeksyon sa mga pato, native chicken, chicken layers, at broiler feeders.

Bago ang deklarasyon, nagpatupad ang DA na mahigpit na hakbang, kabilang ang depopulation, disinfection, at logistics restrictions, sa 135 poultry facilities sa Bulacan.

Inilagay din ang surveillance zones ng isa hanggang pitong kilometro sa paligid ng infected farms.

Ang huling H5N1 infection ay iniulat sa game fowl farm sa Santa Maria noong Mayo 2023.

vuukle comment

POULTRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with