^

Bansa

Raffy Tulfo walang planong magpresidente

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Raffy Tulfo walang planong magpresidente
Senator Raffy Tulfo on March 18, 2024.
STAR/Jesse Bustos

Kahit No. 1 sa survey

MANILA, Philippines — Hindi ikinokonsidera ni Sen. Raffy Tulfo na tumakbong presidente ng bansa na para sa kanya ay isang sakit sa ulo.

“Wala sa utak ko ang pagtakbo as president sa 2028,” ani Tulfo sa isang panayam sa tele­bisyon matapos lumabas sa isang survey kamakailan na nagpapakita na isa siya sa pinakagustong presidential bet ng mga respondents.

Ayon kay Tulfo, sa ngayon ay pinagtutuunan niya ng pansin ang trabaho bilang senador.

“Naka-focus ako nga­yon sa Senado and I’m enjoying being a senator. I’m enjoying that much being a senator,” ani Tulfo.

Binanggit din ni Tulfo na sakit sa ulo ang pagtakbo bilang pangulo lalo pa’t napakarami ng fake news kung saan binabatikos siya.

“At saka isa pa, e sakit sa ulo lang yan. Sa ngayon pa nga, ang dami ko ng sakit sa ulo, left and right marami nang nagagalit sakin because of all these surveys… yung mga fake news bina-bash ako etc. So much more, pag ikaw ay nandun na, pag ikaw tatakbo, ” ani Tulfo.

Sinabi rin ni Tulfo na iba ang pagtakbo sa pinakamataas na ­posisyon kaysa sa pagtakbo bilang senador.

Tungkol sa kanyang nakababatang kapatid na si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, sinabi ng senador na ipaubaya na niya sa kanya ang desisyon kung tatakbo o hindi sa 2025 senatorial race.

Idinagdag ni Tulfo na hindi niya maaaring pigilan ang kanyang mga kapatid kung gusto nilang kumandidato dahil hindi naman niya hawak sa leeg ang mga ito.

vuukle comment

RAFFY TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with