Pagrebyu sa minimum wage, sisimulan na ng wage boards
MANILA, Philippines — Nakatakda na umanong simulan ng ilang regional wage boards ang pagrepaso sa minimum wage rates alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma, unang magsasagawa ng review ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) sa National Capital Region (NCR) sa susunod na linggo.
Susundan naman aniya ito ng may 10 pang regional wage boards, sa Hulyo o Agosto.
Sinabi ni Laguesma na bahagi ng pagrepaso ang pagsasagawa ng public consultations at public hearings.
Magkakaroon rin aniya ng pagpupulong ang RTWPB kung saan ikukonsidera ang mga inputs, opinyon at posisyon ng mga lumahok sa public consultation at hearing.
Inaasahan namang kaagad na maglalabas ang mga wage boards ng wage orders, base sa resulta ng konsultasyon.
- Latest