^

Bansa

15 milyong solo parents napag-iiwanan sa ayuda, sasaklolohan – Rep. Herrera

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
15 milyong solo parents napag-iiwanan sa ayuda, sasaklolohan � Rep. Herrera
Sa House resolution no. 1681 ni Bagong He­nerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera, nakasaad na marami pang kailangang punan ang gobyerno upang matulu­ngan ang mga solo breadwinner, legal guardian, at caregiver.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nasa 15 milyong “solo parent” na mga magulang na tila hindi nabibigyan ng kaukulang pansin ng pamahalaan ang pinasasaklolohan sa Kamara.

Sa House resolution no. 1681 ni Bagong He­nerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera, nakasaad na marami pang kailangang punan ang gobyerno upang matulu­ngan ang mga solo breadwinner, legal guardian, at caregiver.

“Napapanahon nang kilalanin din ang mga solo parent sa pamamagitan ng mas aktibong representasyon at pagtugon sa kanilang mga hinanaing na pansinin din sana at mabiyayaan ng mga programa ng gobyerno,” binigyang-diin ng mambabatas.

Binanggit ni Herrera ang adhikain ng Bagong Henerasyong Partylist na “I-angat ang Lahat ng Pamilya” na siya aniyang sumisimbolo sa mas ­pinaigting na pagkilala sa mga pangangailangan ng mga “soloista” at kanilang pamilya.

Ibinahagi ng kongresista ang isang pag-aaral na nagsasabing mahigit-kumulang 15 million na ang naitalang solo parents sa bansa, at 95% nito ay babae.

Dagdag pa ni Herrera, karaniwan sa mga soloista ay hirap makakuha ng benepisyong nakasaad sa Solo Parent Act, kabilang na dito ang pagkuha ng mismong Solo Parent ID.

May mga establis­yemento rin umano ang hindi tumatanggap o nagbibigay ng kaukulang diskwento o benepisyo sa mga Solo Parent ID holders.

“Kapansin-pansin na kapos pa rin ang mga kaalaman at guidelines sa mga serbisyo at benepisyo na natatanggap ng ating mga solo parents,” saad ni Herrera.

Agad naman nagpaabot ng pakikiisa ang mga personalidad na sina Robert Nazal, Presidente ng YSA Skin Care Clinic, at Rodolfo Medina Jr., Chief Executive Officer ng Medical Depot, na nangakong magbibigay ng diskwento sa lahat ng solo parent.

Ayon kay Nazal, magbibigay ito ng 10% discount sa lahat ng tanggapan ng YSA Skin Care Clinics.

Nangako rin ang Medical Depot Bambang na magpapaabot ng parehong suporta sa mga “soloista.”

vuukle comment

AYUDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with