^

Bansa

Pumatay sa Army Major kilala na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Pagkakasangkot sa investment scam inaalam

MANILA, Philippines — Bumuo na ang Bulacan Provincial Police Office (PPO) ng isang Special Investigation Task Group para tutukan ang kaso ng pamamas­l­ang sa isang Philippine Army Major kung saan tukoy na rin umano ang suspek.

Sa press conference, sinabi ni PNP-PIO chief PCol. Jean Fajardo na batay sa impormasyon mula kay Bulacan PPO Director Police Colonel Relly Arnedo, may hawak na silang larawan ng suspek na nakuha sa CCTV. Nasa katamtaman ang pangangatawan nito at kayumanggi.

Hindi naman maaari pang mailabas ang mukha ng suspek dahil nagsasagawa pa ng case build-up at follow-up ­operations ang mga pulis.

Sabado ng hapon nang pasukin sa SEM278 Enterprises sa Brgy. Marungko, Angat Bulacan si Army Major Dennis Moreno, 41, may asawa, ng Barangay San Roque, Angat, Bulacan, at naka-assign sa AFP-RESCOM General Headquarters.

Tinitignan din nila ang mga anggulo na magkakilala ang biktima at suspek dahil ayon sa sekretarya ng una ay nagngitian pa ang mga ito bago maganap ang krimen at ang pagkakasangkot ng opisyal sa scam.

Kasama rin sa bineberipika ayon kay Fajardo ang anggulo na may mga kaso umanong estafa ang biktima at sangkot sa scam. May investment business at mga nag-iinvest umano sa biktima na hindi nabayaran.

Nanawagan naman si Arnedo sa sinumang may impormasyon na makatutulong sa imbestigasyon ng kaso na makipag-ugnayan sa Pulisya.

vuukle comment

ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with