^

Bansa

Duterte mananatili sa PDP, Laban nilaglag

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Duterte mananatili sa PDP, Laban nilaglag
Former president Rodrigo Duterte Presidential.
Photo / Roemari Lismonero

MANILA, Philippines — Mananatili si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Partido Demokratiko Pilipino (PDP).

Ito ang sinabi ni Duterte sa ika 42-anibersaryo ng partido sa Cebu City kung saan nagkaroon din sila ng botohan para alisin na rin ang pangalang Lakas ng Bayan (Laban).

Sa nasabing national council meeting, sinabi ni Duterte na hindi siya kontra sa pagpapalit-palit ng partido politikal at hindi rin niya hinuhusgahan ang mga gumagawa nito.

Inihalimbawa niya ang kanyang ama na dating go­bernador ng Davao at miyembro ng gabinete ni dating Pangulong Marcos Sr. na nagpakita rin ng loyalty sa Nacionalista Party at tulad niya ay magpapalit din siya ng partido base na rin sa prinsipyo.

“I would like to remain [with] PDP, irrespective of whoever is the president,” ayon pa kay Duterte, na chairman ng partido.

Kabilang naman sa 2025 senatorial elections line up ng nasabing partido sina Senators Bong Go, Ronald dela Rosa at Francis Tolentino, habang isinama rin ang aktor na si Philip Salvador.

Wala naman nabanggit ang dating pangulo tungkol kay Pangulong Marcos at First Lady Liza Marcos na hayagang inamin na “bad shot” sa kanya si Vice President Sara Duterte.

 

vuukle comment

PDP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with