Liza ‘di reresbak sa mga kritiko
MANILA, Philippines — Wala nang balak pa si First Lady Liza Marcos na kasuhan o bweltahan ang kanyang mga kritiko.
Sinabi ng Unang Ginang na pag-aaksaya lamang ng panahon ang pagsasampa ng kaso sa mga kritiko.
“You know, I’m a lawyer, right? Filing charges is my life. Kung ‘yan lang-- eh, ‘wag naman. Sayang naman yung panahon ko. Filing case lang,” wika ni First Lady Liza sa vlog ng broadcaster na si Anthony Taberna.
Nilinaw din niya na hindi naman siya napipikon sa mga batikos sa kanya.
“Ako I don’t get pikon in the sense that it’s really stupid na what they’re dong. Kumbaga sa level, they’re not even sophisticated, ‘di ba?,” ayon pa sa Unang Ginang.
Subalit napipikon lang anya siya kapag nasasaktan ang kanyang mga anak kung saan inihalimbawa nito nang akusahan ni dating pangulong Duterte si Sandro Marcos na gustong maging Prime Minister.
Maging si Pangulong Marcos anya ay hindi magsasampa ng kaso sa mga kritiko.
“The lies became more and more stupid, right? It’s like, oh, my God! Ano ba naman kayo? Maawa naman kayo sa sarili niyo,” giit pa ni FL Liza.
Tiwala naman siya na matatapos ang mga batikos sa kanila sa oras na bumaba na sila sa pwesto sa 2028.
- Latest