^

Bansa

Cayetano may alam daw sa ‘secret deal’ sa China

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Cayetano may alam daw sa �secret deal� sa China
Senator Alan Peter Cayetano presides over the hearing of the Senate Committee on Science and Technology to discuss the modernization of the Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) on February 12, 2024.
STAR/ Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Si dating Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano umano ang may alam sa ‘secret agreement’ sa pagitan ng administrasyon ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte at China hinggil sa isyu ng BRP Sierra Madre sa West Philippine Sea.

Ito’y matapos ituro ni Harry Roque, dating spokesperson ni Pangulong Digong na si Alan Peter umano ang siyang totoong may alam sa kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ayon kay Roque, ang kasunduan ay bawal magdala ng repair materials at tanging tubig at pagkain lang ang pwedeng i-supply sa nakatenggang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal upang hindi magkaroon ng problema sa relasyon ng Pilipinas sa China.

Ang ‘secret agreement’ ang sinasabing dahilan bakit patuloy na nagiging agresibo ang China sa pag-atake sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sa isang media forum, binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mahalagang papel ng media upang ilabas ang katotohanan sa pinag-aagawang teritoryo kung saan ang Pilipinas sa mahabang panahon ay patuloy na nakararanas ng mga illegal, agresibo at iresponsableng aksyon ng China sa West Philippine Sea. Pinagdiinan ni Pangulong Marcos na dapat gawin ang lahat upang madepensahan ang teritoryo, soberanya at pambansang interes ng Pilipinas sa WPS.

Ang BRP Sierra Madre ay tangke noong World War II era na sadyang idinaong ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal noong 1999 upang magsilbing military outpost at simbolo ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.

Kahit may desisyon na ang international arbitration tribunal sa The Hague noong 2016 na walang legal basis ang China sa pag-angkin sa WPS, ang desisyon ay patuloy na nire-reject ng China.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with