^

Bansa

DOE itinulak VAT exemption sa pagbili, pagbebenta ng indigenous natural gas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
DOE itinulak VAT exemption sa pagbili, pagbebenta ng indigenous natural gas
Iginiit ni Energy Undersecretary Sharon Garin ang usapin sa pagtatapos ng ikaapat na hearing ng ­Senate Committee on Ener­gy Technical Working Group sa Senate Bill 2247 na naglalayong paunlarin ang industriya ng natural gas sa bansa.

MANILA, Philippines — Itinutulak ng Department of Energy (DOE) ang VAT-exemption sa pagbili at pagbebenta ng indigenous natural gas bilang bahagi ng fiscal incentives na ipag­kakaloob sa ilalim ng panukalang batas na pagbuo ng Philippines’ natural gas industry.

Iginiit ni Energy Undersecretary Sharon Garin ang usapin sa pagtatapos ng ikaapat na hearing ng ­Senate Committee on Ener­gy Technical Working Group sa Senate Bill 2247 na naglalayong paunlarin ang industriya ng natural gas sa bansa.

Ang Senate Bill 2247 na inihain ni Senator Raffy Tulfo ay naglalayong isulong ang pagbuo ng isang komprehensibo at pinagsama-samang patakaran na tutulong sa mabilis na pag-unlad ng natural gas sector ng Pilipinas.

Nanawagan si Garin sa Department of Finance na sumang-ayon sa mga insentibo para sa mga namumuhunan ng natural gas.

Ayon kay Donnabel Kuizon Cruz, Managing Director at General Mana­ger ng Prime Energy, ang indigenous gas exploration sa produksyon ay tumatagal ng pito hanggang 10 taon at ito ay isang high risk at high cost activity.

Inihayag din ng Prime Energy, operator ng Malampaya natural gas facility na ang kasalukuyang Malampaya Phase 4 dalawa (sa tatlo) well drilling at tie-back campaign ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang US$859m. Target ng Prime Energy ang paghahatid ng bagong gas mula sa Malampaya Phase 4 hanggang 2026.

Sinabi ni Garin na ang pag-tap sa mga katutubong likas na yaman ng gas ay tutugon sa pangkalahatang alalahanin sa seguridad ng enerhiya.

vuukle comment

DEPARTMENT OF ENERGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with