^

Bansa

AFP, PNP ‘di kakalas ng suporta kay Pangulong Marcos

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
AFP, PNP �di kakalas ng suporta kay Pangulong Marcos
resident Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. graces the 2024 General Assembly of the League of Municipalities of the Philippines at a hotel in Pasay City on February 27, 2024.
PPA Pool photos by KJ Rosales / The Philippine STAR

Inorganisang rali sa Davao nilangaw?

MANILA, Philippines — Hindi aabot sa 10 libong katao diumano ang dumalo sa katatapos lamang na Hakbang ng Maisug peace rally na ginanap sa Davao del Norte Sports and ­Tourism Complex, Tagum City nitong nakaraang Linggo.

Ito na ang ikatlong rally na inorganisa ng mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang pagtutol sa Charter Change.

Samantala, patuloy naman na naninindigan ang Armed Forces of the Philippines sa kanilang sinumpaang propesyonalismo, katapatan sa Konstitusyon at pagsunod sa Chain of Command.

Ayon kay AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla, “Our soldiers, pilots, sailors and marines remain dedicated to our mandate of safeguarding the so­vereignty and territorial integrity of the Philippines, regardless of any political affiliations or individuals in authority.”

Ang pahayag na ito ni Padilla ay nag-ugat sa pahayag ni Davao Del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez sa hakbang ng Maisug rally na humihikayat sa AFP na bawiin na ang kanilang suporta kay President Ferdinand Marcos, Jr. upang mapilitan na itong bumaba sa pwesto.

Dagdag pa ni Padilla, mandato ng AFP na protektahan ang mamamayang Pilipino at siguraduhin ang pananaig ng batas at gagampanan nila ang mga tungkuling ito nang may integridad, walang kinikilingan at may lubos na dedikasyon.

Ayon naman kay Philippine National Police spokesperson Colonel Jean Fajardo, pag-aaralan ng kanilang mga legal officers kung ang naturang pahayag ni Alvarez ay isang uri ng sedisyon o panunulsol laban sa pamahalaan.

Pagdidiin ni Fajardo, may karapatan ang mga taong magsalita ng kanilang mga damdamin subalit sa panig ng PNP ay mananatili silang tapat sa Konstitusyon at mamamayan at sanay huwag magamit ang mga uniformed personnel sa mga isyung political.

vuukle comment

AFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with