^

Bansa

Pasaporte ni Quiboloy pinakakansela sa DFA

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pasaporte ni Quiboloy pinakakansela sa DFA
Photo shows Kingdom of Jesus Christ church founder Apollo Quiboloy.
Pastor Apollo Quiboloy Facebook Page

MANILA, Philippines — Nanawagan si Sen. Risa Hontiveros sa Department of Foreign Affairs (DFA) na kanselahin ang pasaporte ng puganteng si Apollo Quiboloy.

“Imbes na magpakita sa Senado o sa mga korte, panay record ng audio message na tila nang-iinsulto pa sa kakayanan ng gubyerno na matuntun siya. Ito ay kakila-kilabot. Hindi ito dapat hayaang pumasa, ngunit hamunin lamang ang gobyerno na ubusin ang lahat ng paraan upang higpitan ang kanyang mga galaw,” ani Hontiveros.

Sa mga nakaraang panayam, sinabi ni DFA spokesperson Teresita Daza na kapag ang isang pasaporte ay nakansela, ito ay isang “red flag para sa anumang aplikasyon sa lahat ng DFA consular offices sa loob at labas ng Pilipinas.”

Paliwanag pa ni Daza, ang kanseladong pasaporte ay iniuulat sa parehong Bureau of Immigration at sa Interpol office sa Pilipinas. Pagkatapos ay ipinaalam ng Interpol PH ang Interpol HQ, kung saan kasama ang nakanselang pasaporte sa alert system ng mga internasyonal na kontrol sa hangganan.

“The world is closing in on him. He is accused of crimes that transcend continents and nationalities. Tiwala ako na maraming bansa ang handang makipagtulungan sa Pilipinas para papanagutin siya,” ani Hontiveros.

Ipinunto rin ni Hontiveros na ang tatlong victim-survivors na nagbigay ng testimonya laban kay Quiboloy sa pagdinig ng Senate Committee on Women hearings ay mga foreign nationals. 

“Kung ang puganteng Kongresista ay nahuli, sana naman maaresto rin ang puganteng religious leader. Maliit ang mundo. Hindi niya matatakasan ang batas habambuhay,” ani Hontiveros.

vuukle comment

DFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with