^

Bansa

Kamara bubusisiin reklamo ng Shopee Express employees

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umusad na sa Kamara ang imbestigasyon hinggil sa reklamo ng mga empleyado ng Shopee Express kasabay ng pagbusisi sa ownership ng affiliate company nito na Shopee Philippines.

Noong Mayo 13 ay naghain ng House Resolution (HR) 1716 si Asosasyon Sang Mangunguma Nga Bisaya-Owa Mangunguma (AAMBIS-OWA) Partylist Rep. Lex Anthony Colada na nag-aatas sa kinauukulang komite ng Kamara na imbestigahan ‘in aid of legislation’ ang umano’y paglabag sa paggawa ng Shopee Express.

Ipinunto ni Colada ang mahirap na sitwasyon sa paggawa ng mga empleyado ng Logistics firm SPX Philippines na mas kilala bilang Shopee Express.

Noong 2021 ang mga drivers ay nagprotesta laban sa Shopee Express dahilan sa umano’y mahigit isang taong pagkakaantala sa kanilang kompensasyon at bayad sa suweldo bukod pa sa social at welfare benefits para sa mga ito tulad ng accident at health insurance coverage.

Samantalang noong 2022 ay sinibak ng Shopee Express at Shopee Philippines ang marami nitong mga empleyado kabilang ang mga driver ng SPX nitong 2023 at kasaluku­yang taon sa kabila ng pahayag ng naturang mga kumpanya na palalawakin pa nila ang kanilang operasyon sa bansa.

“There has been an alarming increase in the number of labor related cases related to and against SPX in the past and current year including cases that involve labor and contracting and union busting,“ pahayag ni Colada.

vuukle comment

SHOPEE EXPRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with