^

Bansa

Buntis, nagpapa-breastfeed na ina kasali na sa 4Ps

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Buntis, nagpapa-breastfeed na ina kasali na sa 4Ps
Stock image of a pregnant woman.
Image by from Pixabay

MANILA, Philippines — Maaari nang isama ang mga buntis at nagpapa-breastfeed na mga ina sa listahan ng benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawig pa sa coverage ng 4Ps para masiguro ang kaligtasan ng mga sanggol sa unang 1,000 araw.

Nauna nang ipinanukala ng DSWD ang panukalang reporma sa 4Ps noong Pebrero kung saan nais nila itaas ang cash grants sa First 1,000 days (F1KD) ng mga bata para tumaas din ang purcha­sing power ng 4Ps bene­ficiaries at maiwasan ang malnutrisyon sa mga bata.

Kahapon sa ginanap na sectoral meeting ay inaprubahan ni Pangulong Marcos ang panukala ng DSWD na maglaan ng ayuda sa mga buntis at nagpapasusong mga ina para masiguro na mabibigyan sila ng serbisyong pangkalusugan at matugunan din ang kalusugan ng mga bata sa unang 1,000 days.

Sa ilalim ng kasaluku­yang programa, ang isang 4Ps beneficiary-family ay makakatanggap ng daycare at elementary grant na P300 kada bata kada buwan sa loob ng isang buwan sa kondisyon na sila ay pumapasok sa eskwelahan; P500 kada bata tuwing isang buwan sa loob ng 10 buwan para sa junior high school  at P700 kada bata tuwing isang buwan at sa loob ng 12 buwan.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with