^

Bansa

NTF-ELCAC patuloy na magbabantay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at ang mga partner nito na nakabantay sila sa anumang balakin ng mga komunistang-tero­ristang CPP-NPA-NDF, kahit pa mahihina na ang mga guerilla fronts nito sa Cagayan Valley at karatig na mga lugar.

Ang paniniyak ay ginawa ni NTF-ELCAC Exe­cutive Director and Undersecretary Ernesto Torres Jr. matapos manawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos na maging handa sa ‘external threats’ dahil sa tensiyong ‘geopolitical’ sa Indo-Pacific region.

Aniya, ito ang dapat na pinaghahandaan ng mga nasa ‘northern Philippines’ sa anumang maaaring mangyari.

Kanya rin ipinagdiinan ang pangako ng pamahalaan na ipaglaban at idepensa ang mga teritoryo ng bansa at hindi isusuko ang mga boundary nito, at pangalagaan ang kapayapaan sa.pamamagitan ng mga ‘diplomatic efforts.’

Sa pagtugon sa pabago-bagong ‘geopolitical landscape’ at mga banta, itinalaga ng pamahalaan ang Cagayan bilang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site, sa pakikipagtulungan ng bansang Amerika, ang pinakamalapit na ‘military ally’ ng bansa.

COMMUNIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with