^

Bansa

10-anyos todas sa ‘Goodbye Philippines’!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
10-anyos todas sa ‘Goodbye Philippines’!
Brgy. Candulawan, Talisay City
Google Maps

MANILA, Philippines — Patay ang 10-anyos na batang lalaki habang anim ang malubhang nasugatan matapos masabugan ng iligal na paputok na tinatawag na ‘Goodbye Philippines’ habang sinasalubong ang Taong 2025 sa Cebu City nitong Miyerkules ng madaling araw.

Batay sa initial investigation ng Talisay City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), bandang ala-1 ng madaling araw (Enero 1) nang maganap ang insidente sa Purok Camunggay, Brgy. Candulawan, sa lungsod.

Masaya umanong sinasalubong ng mga residente sa lugar ang Bagong Taon nang biglang may nagpaputok ng Goodbye Philippines at nasabugan ang batang lalaki at anim pang kapitbahay nito.

Dahil dito ay napawi ang kasiyahan ng mga residente nang makitang duguan ang mga biktima kaya agad silang nagpasaklolo sa mga awtoridad.

Agad namang nagresponde ang mga tauhan ng CDRRMO nang matanggap ang mga ulat at isinugod sa kalapit na ospital ang mga biktima subalit binawian ng buhay ang bata.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na insidente.

Nabatid na ang Goodbye Philippines ay kabilang sa mga paputok na mahigpit na ipinagbabawal ng mga awtoridad.

CEBU CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with