^

Bansa

PCG: Balikatan drills ng Pinas at Estados Unidos, tuloy

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
PCG: Balikatan drills ng Pinas at Estados Unidos, tuloy
Officials of the Philippines and the US military attend the opening of the 2024 Balikatan Exercises at Camp Aguinaldo in Quezon City on April 22, 2024.
Walter Bollozos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng ­Philippine Coast Guard (PCG) na tuloy ang pagdaraos ng Balikatan drills ng Pilipinas at Estados Unidos, sa kabila ng presensiya ng Chinese Navy.

Sinabi ito ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) kasunod ng pagkumpirma ni AFP-Western Command Spokesperson Captain Ariel Coloma na isang Chinese navy ship ang naispatan nila, may pito hanggang walong nautical miles ang layo, mula sa lugar kung saan idinaraos ang Balikatan exercises noong Linggo, Abril 28.

Ayon kay Tarriela, wala silang planong itigil ang pagsasanay dahil lamang sa presensiya ng Chinese Navy. Nagpapapansin lamang anya ang China at istratehiya nila ito upang maramdaman ang kanilang presensiya sa lugar.

“Ang intensyon lang ng People’s Republic of China dito ay magpapansin. Sabihin nila na nandiyan sila sa area, but definitely hindi naman natin ihihinto ito dahil nandiyan sila,” paniniguro pa ni Tarriela.

Dagdag pa ni Tarriela, hindi na lamang nila papansinin ang presensiya ng Chinese Navy ships at hindi rin nito mapipigilan ang Balikatan exercise ng Pilipinas at mga kaalyado nito.

PGC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with