^

Bansa

Supplemental motion sa pagbasura ng kontrata ng Comelec-Miru, inihain

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Supplemental motion sa pagbasura ng kontrata ng Comelec-Miru, inihain
Former Caloocan City congressman Egay Erice on October 7, 2024
STAR/ Edd Gumban

MANILA, Philippines — Naghain ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City Congressman Egay Erice para mapawalang bisa ang joint venture ng Commission on Elections (Comelec) at poll service provider na Miru System.

Ayon kay Erice, dapat nang ideklarang null and void ng SC ang kontrata sa pagitan ng Comelec at Miru matapos na mag-withdraw ang local partner nito na St. Timothy.

Aniya, kung kumalas ang isang kasama sa joint venture wala na ring bisa ang partnership kaya dapat lamang na hindi ituloy ang kontrata ng MIRU.

Bunsod nito, dapat na atasan ng Comelec ang joint venture na magsumite ng Net Financial Contracting Capacity (NFCC) na una nang isinumite ng St. Timothy. Sa pagkalas ng St. Timothy, wala nang katiyakan na sapat ang pondo sa nasabing kontrata.

Umaasa si Erice na bibigyan pansin ng SC ang kanyang petisyon para sa hinahangad na maayos at tapat na halalan sa 2025.

EGAY ERICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with